Sign up for FlowVella
Sign up with FacebookAlready have an account? Sign in now
By registering you are agreeing to our
Terms of Service
Loading Flow
Buod
Dumalaw si Padre Amando at pinag-usapan nila ni Bb. Sanchez ang nangyari kay Lino. Nang tanungin ng pari kung ano ang gusto nung bata, ang sinabi niya ay ang kanyang ama. Nangako ang pari na tutulungan niya si Lino.
Pagkatapos ay dumating ang labandera ni Bb. Sanchez. Napag-usapn ng mga kapitbahay nila na tutulungan nila si Bb. Sanchez. Dumaan din si Estanislao Villas at sinabi na humahanap na sila ng abogado para kay Lino.
Bago umalis, nangako ang pari na pupuntahan niya si Lino at aalamin ang kanyang kalagayan at ang katotohanan. Pagkatapos ng ilang oras ay dumating si Aling Ambrosia, ang labandera nina Miss Sanchez.
Natagpuan na ni Rada ang saksi, pati na rin ang tunay na pumatay, sa Camarines Sur subalit nakatakas na ito kasama ang labindalawang bilanggo habang ililipat sila sa Muntinlipa.
Nabalitaan ngayon na si Lino at ang mga kasamahan nya ay humuhuli ng mga Huk. Ang mga Huk ay mga manggagahasa at magnanakaw. Noong nagkita si Kumander Hantik at at si Lino sa isang kweba, inanyayahan niya ito na sumali sa kanilang samahan. Tumanggi si Lino. Bilang ganti, ikakalat raw ni Kumander Hantik na si Lino ang nagsisimula ng gulo sa mga lalawigan. Nagkaroon ng Operation Scarlet subalit hindi pa rin mahuli si Lino at ang samahan niya.
Habang nangungumpisal ang isang rantsero, nalaman ni Padre Amado ang kinaroroonan ni Lino. Sinabi nyang tumitigil nang tumakas at binalitang alam na na wala siyang kasalanan sa kaso. Tumigil nga si Lino at sa dulo, nalaman niyang iniibig siya ni Bb. Sanchez.