Sign up for FlowVella
Sign up with FacebookAlready have an account? Sign in now
By registering you are agreeing to our
Terms of Service
Loading Flow
Sariling Buod
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isang bwan halos hindi kumakain at parating umiiyak si Adolfo dahil, lumak siya sa gulak at hindi sanay sa hirap at humiwalay sa magulang. Isa sa mga estudyante sa Atenas ay si Adolfo, isang kababayan ni Florante, anak ni Konde Sileno, na nang una ay nadama sa si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Matalino at nirerespeto ng buong eskwelahan dahil marunong siya sa lahat. Maayos na tao si Adolfo at wala siyang kaaway. Mahusay sa isip at gawa. Ngunit hindi maramdaman ni Florante ang bait na di paimbabaw galing kay Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahonng ito, natutuo siya ng Pilosopiya, Astrolohiya, at matematika. At humigit pa ang galing at talino niya kay Adolfo. Sumikat rin si Florante. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo, sa isang dulay ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan patayin ni Adolfo si Florante.